A letter, from me to you. - An Open Letter
- Romina Florida
- Feb 12, 2017
- 4 min read
"So stay, wherever that may be
Sometimes, when darkness comes, I'll be your fire
In this world that is a lie
The only truth , it's you
This is a letter from me to you"
-Stay of BlackPink

Malapit nanaman ang "Valentines Day" , naglalabasan na ang mga bitter at naghahanap ng ka-love life. Siguro 'yun na din ang nag-inspire sa akin para magawa itong part ng blog na 'to.
Syempre hindi naman lahat ng bitter e masasabing basta na lang sumulpot hindi ba? Pwedeng naging bitter sila dahil:
Hindi sila gusto ng crush nila
Pwede ding na-friendzone sila
Iniwan ng boyfriend / girlfriend
Pinagpalit sa iba
Niloko / Naloko ng taong mahal nila
Hindi sineryoso
Pinaasa
at marami pang iba na pwedeng idagdag dito sa listahan na ito.
At dahil jan, nauso na yung salitang "Walang Forever" . Paano nga ba magkakaroon niyan e kita mo naman sa generation ngayon, iilan nalang ata ang seryoso. Ilan sa kanila hindi pa ready magmahal, acads first ang pheg , tropa kasi si crush , at karamihan naman ay food is life. Tapos minsan kung saan ka pa ready mafall uli , naku bes , wrong timing ka pa - either may jowa na siya o kaya hindi pa siya ready ma-fall. Iyak ka na lang. Ganyan naman palaging scenario hindi ba? Kaya minsan mas maigi nang wag na lang magmahal , masasaktan ka lang (maliban kung handa ka talagang sumugal ng todo todo).
Ano nga ba nag-inspire sa akin na gawin 'to?
Ang transparent ko na sainyo a, pero dahil love ko kayo at gusto kong ishare ung mga natutunan ko, sge ito na . Bakit nga ba ito yung title ng blog ko? Sympre lahat naman tayo may letter o gustong sabihin sa tao / mga taong naging bahagi ng buhay natin. Mapa kaibigan man yan , best friend , ka-trabaho , at maging yung tao na nagpasaya at nagbigay ng kulay sa mga araw natin dati. At ito ang isang open letter sa taong naging parte ng buhay ko.
Today is February 11 , 2017 .
Napaka solemn nitong araw na 'to para sa akin . Hindi dahil 3 araw na lang valentines na, kundi ito yung araw kung kelan binisita kita sa bahay niyo (dahil may sakit ka) at sinagot ko yung tanong mo . That day was very special , that day mas naging close tayo sa isa't isa . We knew back then , we've been happy and contented with each other . Halos araw-araw nga tayong magkasama . Palagi nilang sinasabi na mag kamukha na tayo kasi hindi na tayo magppaghiwalay . Hindi natin inaasahan na darating tayo sa point na magkakalayo - LDR , at doon nag umpisa mawasak yung mga pangarap natin para sa isa't isa . Hindi ka naging kuntento sa isa . Oo LDR tayo, alam kong mahirap pero hindi naman pwedeng maging rason yun para mangaliwa ka diba? Sabi mo ako may mali , ako yung hindi nakuntento. Oo sinisi ko sarli ko, that I'm never good enough. I blamed myself kahit ikaw yung may mali. I begged you to come back, you just told me "..mas minahal kita kesa sa kanya (ex) , kung alam mo lang..." . And everyday I'm hoping for your return pero wala. Everyday turns to every week to every month , every-11th of the month nagluluksa ako dahil ni text or call galing sayo wala.
It's been 7 months. Having a single thought of you , ramdam ko pa din ung sakit, to be honest. Siguro time with heal me - the wound of yesterday. Pero hindi na ako umaasa na babalik ka, na tutuparin mo yung after 2 years babalikan mo ako. Malabong malabo na kasi mangyari , maliban sa alam kong pang-4 mo na yung recent mo ngayon , hindi ko na gugustuhing mahalin ka uli. Been there, Done that - enough is enough . Madami akong narealize na siguro masasabi ko na for now, hindi pa ako ready at hindi ko pa deserve na matawag na girlfriend dahil sa mga narealize at rason sa baba.
Mas naging contented ako sa mga bagay na meron ako . At yung mga gugustuhin ko, I know may right time para doon
Loved myself and still loving me
Studies. Makes me a more responsible person / student.
Know your goals in life - Direksyon ko sa buhay , plans about my future chuchunes.
Family comes first. Syempre nawalan ako ng time sa kanila dati. So, bawi-bawi muna ngayon.
Friends are always be there for you. Hindi lang sila anjan para sa akin , anjan din sila para iguide ako sa mga desisyon ko sa buhay. I chose them and they chose me . Sila din yung taga sermon at taga dagok sa akin pag medyo tanga ako, lam mo na, taga gising sayo sa katotohanan.
SINGLE is a choice. The hardest decision to make. A battle between your mind and your heart. You chose it for you to become a better person, 2.0 of yourself , and to become happy by being you.
Be matured enough to handle more responsibilities. Masasabi ko na ako yung taong hindi kayang magbalanse ng mga sitwasyon sa buhay ko. Pag may love ,napapbayaan yung studies ganun. So one at a time muna.
LOVE isn't a game. If you're not ready so be it. Wag ka mandamay ng ibang tao. Mas maigi na yung malaman nila na hindi ka interisado sa kanila kesa yung paasahin mo sila na meron kahit wala.
Gain respect and trust 'cause in a relationship it's a MUST. Wag madaliin ang mga bagay bagay, it takes time. Sabi nga nila, wag mong hanapin kasi dadating din 'yan at the right time.
Carpe Diem ,
Miss Movin' On
Comments