Let's Talk About LOVE - Part 2
- Romina Florida
- Dec 3, 2016
- 6 min read
My Heart Status
After a year, this is the 2nd part of Let's Talk About Love. *Taglish*

Current Status: SINGLE
Why? : Hinihintay ko parin kasi siya...
Bakit ko siya hinhintay....
Halos lagpas 1 taon na din nung nakilala ko siya. Parehas kami ng school, parehas din kami na bagong salta sa school na un, same din kami ng club na inaatenan tuwing wednesday. Sa totoo nyan madami kaming pagkakaparehas ,isa na dun yung pagiging only child namin.
Una naming pagkakakilala nung first day ng club namin. Gusto ko talagang sumama sa Choir nun kaso wala ng vacant nung panahon na yun ,so no choice ako kung hindi pumasok sa marshal's club. Bago dumating yung araw na yun, nakwento na sa akin ni mama na nagkita daw sila ng ka-officemate niya sa orientation ng new students at sakto same grade level lang kami ng anak niya (magkaiba lang ng section). Tapos ayun kinuwento ni mama yung section ng anak ng ka-officemate niya sakin. During attendance ng club nun nung napansin ko na sa likod ko lang nakaupo yung mga under ng section na sinabi ni mama . Grinab ko yung opportunity na makilala yung anak ng friend ni mama.
"Kuya, taga (section name) kayo?" - ako
"Oo"
"May kilala ba kayong (name)?" - ako
"Ah, oo! Siya yun! (sabay turo dun sa lalaking nakikipagkilitian sa katabi niya)"
Napa-ah nalang ako kasi akala ko talaga gwapo si guy (kasi nga maganda yung mama niya) . Eh ang haggard niya that time, (ikaw ba naman makipag kilitian diba) . Tapos nalaman ko na same letter lang kami ng service - B1 ako tapos siya B3 . Small world diba. Tapos ayun everytime na nakikita ko siya nagpapapicture ako sa kanya , pero lalo niya ako napansin nung nagpapicture ako sakanya bago kami mag exam ng 1st periodical exam. Doon kami nagumpisa maging close. During that time din kakabreak lang nila ng girlfriend niya, pero guys, friends pa lang kami nun. After a month niyang manligaw sa akin sinagot ko siya. Oo, parehas naming inaamin sa mentally hindi kami prepared sa ganapan s relationship namin, (rebound lang ang lahat). Yung relationship namin super duper perfect, pero syempre hindi maiiwasan yung away diba. Siya yung unang boyfriend ko na nagkaroon ng date sa labas (hindi date sa mall or sa restaurant) , during our sembreak nagkaroon kami ng formal date sa museum. Museum - National Museum of the Philippines - Ayan yung office ng mga parents namin (mom namin to be exact) . So habang nagtotour kami sa museum yung mga friends ng parents namin natutuwa sa amin kasi sino ba naman amg-aakala na yung mga batang museum e magkakatuluyan diba?
Nung araw na yun super saya ko, 2 kasi yung bldg. ng museum . Yung bldg. sa main (ung sa office ng parents namin) ,tapos yung bldg. sa harap, ung bago. Habang nagiikot kami wala kaming pinoproblema na baka may magtext o tumawag sa amin kung asan kami ganun. Both kasi kaming legal sa relationship. Nung nalaman nga ng parents namin yung relationship natuwa sila, yung mom niya tska yung mom ko ,wla pa kami sa mundo friends na sila. Tapos ayun bonding kami sa museum ganun.
Every sunday after ng mass kumakain kami ng lunch kasama families namin. Pareho kasi kami na galing sa Christian family. We're almost perfect diba, pati mga classmates namin palaging sinasabing "Stay strong together" "Patunayan nyong may forever" "Alam na namin kung saan ending niyo" , mga ganung bagay.
Madaming trials yung sumubok sa relationship namin, ilan sa mga yun yung friendship problems , honesty sa friendship nagcoconnect sa amin, distance.
Masasabi ko na yung pinakamahirap na pagsubok na dumating e yung sabay kami nag apply sa dream school namin. Sabay din kaming nag entrance exam, magkatabi pa kami that time. Pagdating nung confirmation day kasi pareho kaming nakapasa , ako yung unang nagconfirm ng slot ko. Lumagpas na yung confirmation date niya pero hindi pa din siya nakapag enroll. Triny niyang mag enroll sa old school niya ,after nun umuwi siya sa probinsya nila para magbakasyon. 1 month na naging 2 months tapos sinabi niya sa akin na baka doon na siya mag-aral. Naglaho yung isa sa mga pangarap namin - pumasok ng sabay sa dream school namin. Pero wala akong magagawa kasi nga diba hindi naman ako yung magtutuition sa kanya. Maspinili niya yung pumasok sa probinsya kesa sumama sa mama niya s aibang bansa at doon mag-aral. Masyadong wattpad yung story ko pero ito yung totoo e.
June this year, umuwi siya dito for 1 week. Sinulit na namin yung enough time habang magkasama pa kami at bago nila magpasukan sa probinsya. Yung whole week na yun umiiyak ako sa kwarto ko kasi hindi ako sanay na malayo siya sa akin. (Kasi nga diba halos hindi kami mapaghiwalay). Halos 2 buwan na lang mag 1 year na kami, sabi naman niya uuwi siya kada linggo tsaka sa anniversary namin. Nag umpisa na klase nila sa probinsya, dahil ako sa August pa klase ko ayun nagbabakasyon ako sa bahay. Sabi pa nga niya "Kahit malay tayo alam natin na mahal natin yung isa't isa, kesa naman yung magkaharap nga tayo ,naglolokohan naman diba."
Umpisa nun hinhintay ko na siya tuwing sabado. Nagbobonding kami tuwing Linggo tpos pagdating ng tanghali nagbabyahe na siya papuntang probinsya. Kahit mahirap yung set-up kinakaya naman namin. Dumating yung July 9, sabado, nasa iisang lugar lang kami. Kung saan sila ng mama niya pumunta susundan ko sila pero hindi kami pinagkikita ng panahon. Kahit lumalamig na yung relationship namin hindi ko nalang iniisip na baka dumating yung araw na magbreak kami. July 16, sabado, blessing ng business namin. Ininvite namin siya pati yung family niya. Napansin ko na naging mainitin na ulo niya, mabilis na siyang magalit sa akin. Hindi ko pinansin yun kasi mas importante yung andiyan siya kasama ko. Nung tanghali umalis na din sila, pagkatapos ng 2 oras nakareceive na lang ako ng text , "Ayaw ko na, break na tayo." . Halos 1 buwan akong umiyak at halos tanungin ko sarili ko kung kelan kaya ako mauubusan ng luha. Madami na akong ginawa para bumalik siya sa akin pero wala pa rin. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya halos maisipan ko ng magpakamatay, kasama niyang nawala yung mga plano at pangarap namin para sa isa't isa.
Masasabi ko na nakita ko uli yung sarili ko nung pumasok ako sa new school ko, yung dream school naming dalawa. During that time madami ding couple ang naghiwalay. Sa lob-loob ko lang that time, hindi ako nag-iisa. Masyado akong kumapit sa kanya nung nakaraang taon kaya sisiguraduhin kong kakayanin ko ng mag-isa ngayong taon. Sa new school ko din nakilala yung SQUAD ko, sila yung nagbigay ng rason sa akin para maging masaya kahit walang love life. Tumutok ako sa academics ko, nakakagala na ako kung saan saan ng walang kokontra sa akin, nagagawa ko gusto ko , at syempre nakakpag ipon na ako para mabili yung gusto kong bilhin.
Oo, masaya magkaroon ng partner sa buhay , ng boyfriend, pero sa totoo lang mas masaya yung makilala mo yung sarili mo ng lubusan, malaman yung kulang at kaialngan mong baguhin sa sarili mo. Walang ibang pwedeng magjudge sayo kung hindi yung sarili mo e. Yun kasi yun. Hindi mo matututunang mahalin yung ibang tao kung yung sarili mo hindi mo kayang mahalin. Sa I LOVE YOU nga diba, nauuna yung I sa YOU. Kanta din ni Justin Bieber : "Love Yourself" .
Sa sobrang dami kong natutunan sa sarili ko mas gugustuhin ko na lang na ganito ako forever. Masaya, malaya , walang bakas para hindi maging masaya. Mas naalagaan ko na din yung sarili ko, nakakapag manicure ako sa free time ko. Naaus ko na din yung magulo kong kwarto na dati ay mukhang walang pag-asa. Kaya ngayon, kahit hindi halata , hinhintay ko pa rin siya para makita niya kung ano yung pinagbago ko habang wala siya.
He will always be my motivation in the process of making myself better.
DATI :
1. Waistline : 33"
2. Weight : 60 kg
3. Shirt Size : XL
NGAYON :
1. Waistline : 27"
2. Weight : 50 kg
3. Shirt Size : M
"Walang salitang hindi mo kaya. Kung iisipin mong kakayanin mo , makakaya mo."
"Totoo yung salitang Who You Ka Sa Akin Pag Pumayat Ako."
"It will worth the wait."
-Miss Movin' On
Comments