Mini Travel Adventure #1 : Nami Island
- Romina Florida
- Dec 1, 2016
- 1 min read


Hi guys, welcome sa part ng Travel Blog #1 .
Destination : Nami Island , South Korea
Mas naging kilala ang lugar na ito dahil dito nagshoot ang Winter Sonata ( isang Koreanovela na pinagbibidahan nila Choi Ji Woo , Bae Yong Joon , at Park Yong Ha.
Nami Island o mas kilalang Namiseom ay isang isla sa Chuncheon, South Korea , at half-moon ang hugis ng islang ito.
Sa sobrang ganda ng islang ito, maraming turista ang dumadayo dito, lalo na pag sumasapit ang Ber-months o yung mga buwan na malapit na mag pasko. Ang iba sa mga turista na nagpupunta dito ay dumadayo para isagawa ang kanilang pre-nup photoshoot.



Madaming tao ang pinapangarap na makarating sa nasbaing isla sa South Korea.
Isa sa mga dasal nila ay pag dumating ang tamang panahon gusto nilang ganapin din sa islang ito ang pre-nup pictures nila. Kahit sino naman gugustuhin mag sagawa ng photoshoot dito lalo na kung ganito kaganda ang magiging background niyo, hindi ba?
Madami pang magagandang lugar sa Korea ang pwede nating mapuntahan maliban sa Nami Island.
Subaybayan ang susunod na Mini Travel Adventure ni Miss Movin' On sa South Korea at sa ibang panig ng mundo.
Comments